Home History Archive Estudyante Blues

Key Concepts

grandma-court.jpg
Estudyante Blues PDF Print E-mail

Sulat galing sa mga magulang ng isang tinamaan ng magaling na anak!
Dear Anak, 
       Naipadala ko na limampung libong piso na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng subject mong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95,

ang mahal naman ng project na yun. kasama din ang pitong libong piso dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka pagbibiyahe mo, isasanla palan namin ang palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak, komportable ka ba dyan sa boarding house mo? San ba ka mo yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan di ba mainit dyan.

Anak kamusta na pala yung group project nyo na SAN MIG LIGHT napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun. Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ar ian natin ay maka gradweyt ka na,  walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian natin sa sanglaan.

 Ay sya nga pala anak di ba sabi mo sa JOLLIBEE / MCDO ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school service nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal
Itang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.